Muling pinatunayan ng Bombo Radyo Philippines ang katatagan at kredibilidad nito matapos mapabilang sa mga “most trusted media outlets” sa inilabas na 2026 Pahayag First Quarter Survey ng Publicus Asia, Inc.

Lubos ang pasasalamat ng buong Bombo Radyo sa walang sawang suporta na patuloy na ipinapakita ng mga tagapakinig, at taga-panood sa aming ibat-ibang media platform.

Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang pagbutihin ang serbisyo at paghahatid ng tumpak at napapanahong impormasyon sa publiko.

Ang survey, na isinagawa ng Publicus Asia, Inc., ay naglalayong sukatin ang antas ng tiwala ng publiko sa iba’t ibang institusyon at media network sa bansa.

Ang muling pagkilala ay patunay ng dedikasyon ng Bombo Radyo sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang Bombo Radyo sa misyon na maghatid ng balita at impormasyon na may integridad at pagmamalasakit sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Ka-Bombo!