Nananatiling clinically stable si dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan habang naka-hospital arrest, ayon sa Philippine National Police General Hospital.

Ayon kay PNPGH Internal Medicine chief Lt. Col. Benaly Bayani, kontrolado ang hypertension ni Bonoan sa pamamagitan ng gamot at patuloy siyang mino-monitor ng medical team. Wala rin umanong nakikitang seryosong problema sa kanyang kalusugan.

Samantala, kamakailan ay ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang kaso laban kay Bonoan kaugnay ng plunder at graft charges na kinasasangkutan ni dating Senador Jinggoy Estrada. Ayon sa korte, bahagi ng prosecutorial discretion ng Ombudsman ang pagtukoy kung sinong akusado ang gagawing state witness.

Noong Mayo, kinasuhan si Bonoan at iba pa dahil umano sa sabwatan para makalikom ng mahigit P500 milyon na kickback mula sa mga flood control project.

-- ADVERTISEMENT --