Kinumpirma Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Huwebes ang pagkakakilanlan ng tinaguriang “boss of all bosses” ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na sangkot sa mga kriminal na aktibidad.

Sinabi ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz sa isang panayam kung si Huang Zhiyang, na natuklasang may limang pasaporte sa isang raid sa Clark, Pampanga, ay ang “boss of all bosses” ng mga ilegal na POGO.

Gayunpaman, hindi niya kinumpirma kung ito ang indibidwal na tumulong sa pag-alis ng bansa nina dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, Shiela Guo, at Wesley Guo.

Sinabi ni Cruz na si Huang Zhiyang ang tumulong kay Alice Guo na makakuha ng mga hotel accomodation sa Singapore.

Matatandaan na nabanggit ni Senate Pro Tempore Jinggoy Eestrada sa pagdinig ng Senado na ang isinulat ni Alice Guo na pangalan ng tumulong sa kanya sa pagtakas sa bansa ay ang nagmamay-ari ng limang pasaporte at siya ngayon ay nasa Taiwan.

-- ADVERTISEMENT --

Tumangging banggitin ni Alice Guo sa Senado ang pangalan ng taong tumulong sa kanila para makalabas ng bansa dahil sa natatakot umano siya sa kanyang seguridad.