Napanalunan ng Boston Celtics ang 2024 NBA championship matapos na tambakan ang Dallas Mavericks sa score na 106-88 sa Game 5 ng NBA Finals.

Nakapagtala ng 31 points si Jayson Tatum sa pagkapanalo ng Celtics ang kanilang 18th NBA title, nalampasan nila ang Los Angeles Lakers na may 17.

Nagdagag ng 21 points si Jaylen Brown habang 15 kay Jrue Holiday para sa Boston.

Pinangunahan naman ni Luca Doncic ang Dallas sa kanyang 28 points habang 15 naman ang naiambang ni Kyrie Irving.

Tinanghal na NBA Most Valuable Player si Jaylen Brown.

-- ADVERTISEMENT --

Si Joe Mazzulla, 35 years old ang pinakabatang head coach na nanalo sa NBA Finals buhat noong panahon ni Bill Russell, 34 years old noong 1968.