Tinambakan ng Boston Celtics ang Dallas Mavericks sa score na 107-89 sa Game 1 ng NBA Finals

Nakapagtala ng 22 points si Jaylen Brown habang 20 points kay Kristaps Porzingis.

Nagtapos naman si Derrick White sa 15 points para sa Boston.

Pinangunahan naman ni Luka Doncic ang Dallas na nakagawa ng 30 points habang 14 points naman kay P.J. Washington.

Subalit hindi naging consistent ang offensive ng Dallas kung saan mayroon lamang itong nine asssists sa 35 field goals sa nasabing laro.

-- ADVERTISEMENT --

Nagkumahog naman si dating Celtic Kyrie Irving sa laro kung saan nagtapos lamang siya sa 12 points.