Tuguegarao City- Nahulog sa bangin ang isang ambulansyang maghahatid sana ng pasente sa CVMC sa bahagi ng Sitio Assao, Brgy. Bitag Grande, Baggao, Cagayan.
Kinilala ang 4 na sakay ng ambulansya na sina Jeric Siazon, 24, driver, Marjorie Magulod. 29 nurse, Violeta Dumayag, 50 at ang asawa nito na si Alvaro Dumayag, 52.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCAPT Reynaldo Viernes, hepe ng PNP Baggao, una aniyang nagpreno ang driver sa pababa at pakurbang bahagi ng daan ng biglang may tumawid na indibidwal.
Dala ng pag-ulan at madulas na kalsada ay dirediretso namang nahulog ang ambulansya sa bangin na may lalim na 10ft.
Nagtamo ng gasgas sa katawan ang nurse at ang driver habang sugat sa ulo naman ang natamo ng mag-asawa.
Sa ngayon ay muling ibinalik sa Baggao District Hospital ang pasyente habang kasalukuyan ng nagpapagaling ang 3 pang sugatan.