Huli sa buy-bust operation ang isang anak na lalaki ni Gonzaga, Cagayan Mayor Marilyn Pentecostes sa isang sabungan sa Tuguegarao City.

Kinilala ang suspek na si Jonjie Sumer Pentecostes, 44-anyos, residente sa Brgy Paradise, Gonzaga at isa sa nasa listahan ni Pangulong Duterte na sangkot sa illegal na droga.

Narekober ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa suspek ang umanoy 1 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.7 grams at nagkakahalaga ng P4,900.

Una nang nakulong si Pentecostes dahil sa illegal possession of firearms noong nakaraang taon ngunit nakalaya rin matapos makapagpiyansa.