Tinanggal ang tatlong tauhan ng palipatan sa kanilang puwesto dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pagnanakaw ng P7,000 mula sa isang turista.

Ayon sa isang pahayag noong Biyernes, sinabi ni Office for Transportation Security (OTS) Administrator Undersecretary Gilbert Cruz na dalawang screener at ang kanilang supervisor ang tinanggal sa kanilang puwesto sa Ninoy Aquino Terminal 3.

Naganap ang hakbang na ito matapos magreklamo ang isang turistang Australiano na patungong Cebu na nawawala ang kanyang P7,000 at umano’y ninakaw ng nasabing mga tauhan.

Ayon kay Cruz, hindi namin kinukunsinti ang ganitong mga gawain sa loob ng organisasyon.

Sinabi niya na anomang paglabag sa tiwala o maling asal ay masusing iimbestigahan, at ang mapapatunayang may sala ay haharap sa kaukulang parusa, kabilang ang kasong kriminal at administratibo, kung kinakailangan.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa niya, ang mga tauhang sangkot sa insidente ay kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon.