Isang helicopter na may body number RP-C3424 ang bumagsak sa sapa ng Sityo Arimung-mong, Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija dakong alas-5:00 ng hapon ngayong araw, February 1, 2025
Ayon sa ulat ni LTCOL George Calauad Jr., Guimba Chief of Police, narecober mula sa crash site ang bangkay ng isang babaeng kinilalang si Julia Flori Monzon Po, 25 taong gulang, residente ng Marina Bay Homes, Asia World, Parañaque City.
Si Po ang umanoy piloto ni TV Host at Senatorial Candidate Willie Revillame.
Bandang 9:00 ngayong gabi, Pebrero 1, 2025, nang puntahan ni Revillame ang labi ni Po sa HM Mina Funeral Services (Pacac, Guimba).
Nakatakdang ihatid ngayong gabi ang bangkay ng piloto sa Heritage Parañaque.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter at kung may iba pang sakay sa naturang sasakyang panghimpapawid.
Patuloy rin ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang mga posibleng dahilan ng insidente.