
Nakilala na ng mga awtoridad ang dalawang katao na natagpuang sunog ang mga katawan sa loob ng isang sasakyan sa Peñaranda, Nueva Ecija noong Lunes.
Kinilala ng Nueva Ecija Police ang mga biktima na sina Michael Odchigue at Regine Espinosa.
Ayon sa pulisya, isa sa anggulong iniimbestigahan sa nasabing krimen ay posibleng may kaugnayan sa negosyo.
Idinagdag pa ng pulisya na iniimbestigahana na nila ang persons of interest sa krimen, subalit tumangging magbigay ng karagdagang detalye upang hindi madiskaril ang kanilang imbestigasyon.
Nitong Lunes ng gabi, nakatanggap ng report ang Peñaranda Police Station tungkol sa isang nasusunog na sasakyan bago mag-alas-11 ng umaga.
Pagdating ng mga pulis sa lugar, nadiskubre nila ang nasunog na sasakyan kung saan natagpuan sa loob ang mga bangkay ng dalawang biktima.










