Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang isang kapitan ng barangay matapos niyang barilin at mapatay ang kaniyang kapitbahay dahil sa alitan sa videoke sa Barangay San Jose, Dasmariñas, Cavite.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman umano at nagbi-videoke ang suspek nang sitahin siya ng biktima, na nauwi sa kanilang pagtatalo.
Habang kinukuhanan ng video ng biktima ang pagtatalo, bigla siyang binaril ng suspek sa dibdib.
Agad na dinala ang biktima sa pagamutan, subalit idineklara siyang dead on arrival ng umasikasong doktor.
Inaalam na ng mga awtoridad ang pinagtataguan ng kapitan matapos na makuha ng CCTV ang kanyang pagtakas matapos ang pamamaril.
Nagsampa na ng kaso laban sa kaniya ang Dasmariñas police.
Nanawagan ang asawa sa sinomang nakakaalam sa kinaroroonan ng suspek at ipag-bigay alam sa mga awtoridad para sa kanyang pagkakahuli at mabigyan ng hustisya ang kanyang asawa.