TUGUEGARAO CITY-Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang Barangay tanod matapos tagain ng kanyang nakainuman sa bayan ng Sto niño, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang nag-iinuman ang biktima na si Dominador Dela cruz at suspek na si Joseph Domingo, 54-anyos kapwa residente ng Brgy. Centro Norte ay nagkaroon sila ng pagtatalo.

Dahil dito, kinuha ng suspek ang kanyang itak at tinaga ang biktima sa kanyang ulo.

Hindi namang nagawang umawat ang isa nilang kasamahan na nag-iinuman na si Peter Agor dahil siya’y nasa impluwensya na rin ng nakalalasing na inumin at sa bilis ng pangyayari.

Boluntaryo namang sumuko sa kapulisan ang suspek kasama ang ginamit na itak habang agad na dinala sa pagamutan ang biktima.

-- ADVERTISEMENT --