Hindi na itutuloy ng House prosecution team ang Article III o bribery charge laban kay Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Kinumpirma ni House prosecutor Keith Flores na nagsumite na sila ng written manifestation sa Senate Impeachment Court noong Martes upang pormal na alisin ang naturang artikulo.

Ayon kay Flores, isinasaalang-alang ng prosecution team ang itinakdang panahon ng paglilitis at ayaw na nilang pahabain pa ang pagdinig na maaaring sumubok sa pasensya ng publiko at mga senador-hukom.

Sa halip, tatapusin ng prosecution ang presentasyon ng ebidensya sa Article II o ang alegasyon ng unexplained wealth laban kay Duterte.

Iginiit naman ni House prosecutor Rodge Gutierrez na nananatiling matibay ang kanilang kaso sa bawat artikulo ng impeachment.

-- ADVERTISEMENT --