
Nagkaisa ang mga bansang miyembro ng BRICS sa isang joint declaration na nananawagan ng “maximum restraint” upang maiwasan ang lalo pang paglala ng giyera sa Middle East.
Sa unang araw ng 18th BRICS Summit sa New Delhi, nagpahayag ang grupo ng matinding pag-aalala sa patuloy na pagtaas ng tensyon at hinikayat ang mga sangkot na lutasin ang sigalot sa pamamagitan ng dialogue, konsultasyon at diplomasya.
Partikular na mahalaga ang pagkakaisa ng grupo dahil kabilang dito ang Iran at United Arab Emirates, na may magkakaibang posisyon sa kasalukuyang tunggalian.
Nanawagan din ang BRICS ng mapayapang resolusyon sa mga pandaigdigang sigalot at nagpahayag ng pagtutol sa mga unilateral tariff at non-tariff measures na nakaaapekto sa kalakalan.
Kabilang sa BRICS ang Brazil, Russia, India, China, South Africa, Egypt, Ethiopia, Indonesia, Iran at UAE.










