Patay ang 27-anyos na bride matapos ang pag-atake ng mga gunman sa wedding party sa southeastern France.
Agad namang napatay ang isa sa mga suspek sa pamamaril.
Bukod sa nasawi, mayroong tatlong katao ang sugatan sa insidente kasama ang isang bata.
Ayon sa isang saksi, posibleng may kinalaman ang karahasan sa drug-related score-settling.
Bandang 4:30 ng madaling araw, paalis na ng party ang bagong kasal nang sila ay lapitan ng mga naka-maskarang salarin saka walang habas na nagpaputok.
-- ADVERTISEMENT --