Libu-libong mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa rehion dos ang magbabalik-eskwela sa Hunyo a-tres.

Ngunit dalawang linggo bago ito, pangungunahan ng Department of Education (DepEd) ang taunan nang tradisyon ng paghimok sa mga komunidad at sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para ihanda ang mga paaralan—ang Brigada Eskwela.

Simula nang ilunsad noong 2003, naging kapaki-pakinabang ang Brigada Eskwela sa paghahanda sa mga eskwelahan para sa muling pagpasok ng milyun-milyong mag-aaral at estudyante matapos ang matagal na bakasyon.

Nagsasagawa ng mga pagkukumpuni, muling pinipintahan ang mga pader at kisame, inaayos ang mga may tagas na tubo, nililinis ang mga palikuran, at tinitiyak na walang pinangingitlugan ng lamok at iba pang insektong nagdadala ng sakit ang mga eskwelahan.

Bawat tagapangasiwa ng mga paaralan ay abala sa pagre-recruit ng mga volunteer at kumalap ng donasyon mula sa mga lokal na negosyo.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang pa dito ang pag-oorganisa ng grupo para matagumpay na maisakatuparan ang brigada eskwela.

Kaya naman kapag nagsimula ang Brigada Eskwela ng Mayo, isang tunay na grupo ng mga volunteer—mga magulang, guro, estudyante, at alumnus, miyembro ng mga grupong sibiko, at iba pa sa komunidad ang dumadagsa sa mga eskwelahan upang tiyaking handa na ang lahat, at ligtas at malinis ang babalikang paaralan ng mga bata.

Sa panahon ng brigada eskwela hindi lamang mga guro at magulang ang nagiging abala kungdi pati ang mga uniformed personnel gaya ng mga pulis, sundalo, kawani ng Bureau of Jail and Management and Penology, mga pamatay sunog at iba pang law enforcers ay tumutulong din sa paghahanda sa mga eskwelahan.

Ayon kay police capt. Sharon Malillin, information officer ng Cagayan Police Provincial Office na inatasan ang kapulisan na tumulong sa Department of Education na makamit ang adhikain ng brigada eskwela kung saan target umano nilang matulungan ang mga paaralan na nasa liblib na lugar.

Bago pormal na nag-umpisa ang brigada eskuwela sa mga iba’t-ibang schools division office nitong Lunes ay nagkaroon ng regional kick off ceremony sa Masi Elementary School, isang liblib na barangay sa bayan ng Rizal, Cagayan nitong Mayo 16 kung saan ito ang pilot area ng project class home ng Department of Education Region 2.

Ang nasabing proyekto ay naglalayong magpatayo ng mga dormitory katuwang ang mga stakeholders para sa mga estudyante lalo na ang mga katutubong agta na malayo ang bahay sa eskwelahan.

Sa nasabing okasyon ay naging panauhing pandangal si DepEd Asst. Secretary Malana na tubong Tuguegarao City.

Ayon kay Amir Aquino ang tagapagsalita ng kagawaran ng edukasyon sa Lambak Cagayan na binigyang diin ni Malana ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat isa para sa pinapangarap de kalidad na edukasyon.

Kasabay ng implementasyon ng nasabing programa ay ang pagsasagawa ng search for Brigada Eskwela Best Implementer kung saan dalawang beses na kinilala sa national level ang Tuguegarao West Central School.

Ayon kay Janete Dulin, punong guro ng eskwelahan na ipinapakita ng mga kawani at guro ng eskwelahan ang pagtutulungan kung kayat madali nilang nahihikayat ang mga komunidad na tumulong sa nasabing proyekto.

Iginiit pa ni dulin ang kahalagahan ng pagiging bukas o transparent sa mga nalilikom na pondo at donasyon sa mga magulang at iba pang stakeholders para makuha ang kanilang tiwala at suporta.

Isa aniya ito sa mga rason kung bakit suportado ng komunidad ang programa ng Tuguegarao West Central School.

Pinuna naman ng grupo ng ilang guro ang nasabing hakbang dahil tila inoobliga umano ang mga magulang na mag-donate habang ang mga guro ay inoobliga umanong magsolicit.

Ayon kay Raymund Basilio ng Alliance of Concerned Teachers na tungkulin ito ng gobierno at hindi dapat ipinababalikat sa mga magulang at guro.

Pero, nilinaw ng DepEd na isa itong voluntary basis at walang sapilitan lalo na sa mga magulang dahil nais lamang umano nitong isulong ang pagkakaisa at muling buhayin ang diwa ng bayanihan ng mga Pilipino.

Ang Brigada Eskwela ay nagsimula noong 2003 at nakakitaan ito ng pag-unlad ng mga paaralan sa buong bansa.

Ang Department of Education (DepEd) ay may kakulangan sa pondo at ito ang nakitang paraan upang ang mga paaralan sa buong bansa ay maisaayos bago magsimula ang pasukan.