
Kumpiyansa ang abogado ng The Hague na British-Israeli Nicholas Kaufman na maibibigay niya ang “strongest defense” para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaso nito sa International Criminal Court (ICC).
Sa kanyang pagbisita kay Duterte, sinabi ni Kaufman na naniniwala siyang mapapawalang-sala si Duterte.
Sinabi ni Kaufman na pormal siyang itinalaga kahapon na maging bahagi ng defense team ni Duterte, at isasagawa ang kumpirmasyon sa court system ngayong araw.
Hindi naman siya nagbigay ng komento kung sinu-sino pa ang kasama sa legal counsel para sa pagdepensa sa dating pangulo.
Kaugnay nito, sinabi ni Kaufman na asahan ang paghahain nila ng mga petisyon sa hearing of confirmation of charges laban kay Duterte sa September 23.
Samantala, sinabi ni Kaufman na hindi tama na magbigay siya ng detalye tungkol kay dating Executive Secretary Salvador Medialdea na dinala sa ospital kahapon sa The Hague.
Sinabi ng Philippine Embassy sa The Hague na kasalukuyang tumatanggap ng medical treatment si Medialdea.