
Pinangalanan ni Vice President Sara Duterte ang lead counsel para sa kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakatakdang litisin sa International Criminal Court (ICC) dahil sa crimes against humanity.
Sinabi ni VP Sara na makikipagkita siya kay Nicholas Kaufman, miyembro ng British Bar at nasa listahan ng public roster ng ICC.
Ayon kay VP Sara, nagkausap na sila ni Kaufman sa telepono kahapon at personal silang mag-uusap sa kanyang pagdating sa The Hague.
Kabilang sa legal team ni Kaufman si dating presidential spokesman Harry Roque, na may arrest order mula sa House of Representatives matapos siyang i-cite for contempt at dating executive secretary Salvador Medialdea.
Itinakda ng ICC ang Pre-Trial Chamber para sa confirmation of charges sa September 23, kasunod ng initial hearing kung saan inilahad sa kay Duterte ang kanyang mga kaso at kanyang mga karapatan.
Kabilang sa mga kaso laban kay Duterte ay alegasyon ng pagpatay sa mga drug pushers at users sa pagitan ng taong 2016 at 2029 noong panahon ng war on drugs ng kanyang administrasyon.
Sinabi ni VP Sara na sinabihan siya ng kanyang ama na bumalik ng Pilipinas, subalit mananatili siya sa The Netherlands hanggang may papalit sa kanya na miyembro ng kanilang pamilya.