
BINISITA ng non-showbiz girlfriend ni Kapuso actor Buboy Villar na si Khrizza Mae Sampiano, kasama ang kanilang anak na si Kyrie, ang aktor habang nagsu-shooting para sa action-drama series na Task Force Firewall.
Ibinahagi ni Buboy sa Facebook ang mga larawan ng kanilang pagbisita at bonding sa set ng programa.
Noong Marso 2025, kinumpirma ni Buboy ang kanyang relasyon kay Khrizza, na tinatawag ding Isay, at ang pagkakaroon nila ng anak na si Kyrie. Ipinagdiwang naman ng mag-asawa ang unang kaarawan ni Kyrie noong Hulyo 2025.
May dalawa pang anak si Buboy, sina Vlanz Karollyn at George Michael, sa dati niyang American partner na si Angillyn Gorrens. Naghiwalay sila noong 2020 ngunit nananatiling magkaibigan at co-parents.
Mapapanood ang Task Force Firewall mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:50 ng gabi, pagkatapos ng The Master Cutter.










