
Pinabulaanan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na papalitan siya ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Nicolas Torre III.
Kasunod na rin ito ng mga lumabas sa social media na isang art card na ginaya ang isang media outfit na nagsasabing papalitan ni Torre ang BuCor chief.
Aniya ang naturang mga espekulasyon ay produkto ng mga “evil” forces.
Binigyang-diin ni Catapang na ang pagpapakalat ng fake news ay nakakaalarmang trend na nagpapahina sa institutional integrity at public trust.
Dahil dito, iginiit ni Catapang ang kahalagahan ng critical thinking at hinimok ang publiko na alamin ang mga impormasyon bago ito paniwalaan.
-- ADVERTISEMENT --










