Isang lalaki mula sa China ang pumunta sa emergency room ng isang ospital dahil sa matinding pananakit ng kanyang tiyan, at nang suriin ay may nakita na isang talampakan na haba na buhay na igat sa kanyang tiyan.
Sa isinagawang CT scan sa sa tiyan ng 33-anyos na lalaki, may nakita silang kakaibang bagay.
Kasing-tigas na rin ng kahoy ang tiyan ng lalaki, kaya nabahala ang mga doktor na ito ay fatal peritonitis, kaya nagpasiya ang mga ito na isagawa ang laparoscopic emergency surgery.
Habang ginagawa ang proseso, nagulat sila nang may makita na isang buhay na igat na lumalangoy sa kanyang organs.
Gamit ang isang clamp-like instrument, nagawa ng mga doktor na matanggal ang igat, at nilinisan ng saline solution ang kanyang tiyan upang matiyak na walang panganib ng impeksion.
Pagkatapos ng operasyon, naka-recover ang lalaki at pinalabas sa ospital.
Gayunman, walang sinabi kung ano ang ginawa sa igat.
Hindi rin sinabi ng medical experts kung paanong may nakapasok sa igat sa tiyan ng lalaki