Nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Linggo ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naganap ang pagbuga ng abo dakong 1:12 p.m., ayon sa advisory ng Phivolcs.

Ang ibinugang abo ay umabot sa tinatayang 150 metro mula sa bunganga ng bulkan bago tinangay ng malakas na hangin patungong timog-silangan.

Patuloy namang nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Kanlaon.

Sa ilalim ng Alert Level 2, posible ang biglaang phreatic o steam-driven eruption, gayundin ang mga senyales ng posibleng pagsisimula ng magmatic activity.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng Phivolcs at iba pang awtoridad kaugnay ng aktibidad ng bulkan.