
Nagkaroon minor explosive eruption sa tuktok ng Kanlaon Volcano mula 8:05 p.m. hanggang 8:08 p.m. ngayong Biyernes, Oct. 24.
Makikita sa video ang eruption plume na umabot sa taas na 2,000 metro mula sa bunganga ng bulkan bago ito tangayin ng hangin patungong hilagang-silangan.
Namataan din ang pyroclastic density currents (PDCs) na bumaba sa katimugang bahagi ng bulkan sa layo na humigit-kumulang isang kilometro mula sa bunganga.
Nanatiling nasa Alert Level 2 ang Kanlaon Volcano, na nangangahulugang may posibilidad pa rin ng mga susunod na phreatic o steam-driven eruptions.








