Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng tatlong pagsabog sa main crater ng Bulkang Taal ngayong araw.

Kaninang 2:55 a.m., nagkaroon ng minor phreatic eruption ang bulkan na nasundan ng dalawang minor phreatomagmatic eruption kaninang 8:13 at 8:20 a.m.

Ayon sa PHIVOLCS, tinatayang aabot sa 1,200 hanggang 2,100 meters ang taas ng plume mula sa ibabaw main crater ng Taal Volcano.

Nanatili pa ring nakataas sa alert level 1 ang status ng bulkan na ibig sabihin ay ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano island at pagpapalipad ng kahit anong aircraft malapit sa tuktok nito.