Iniimbestigahan pa ng mga otoridad sa Estados Unidos ang motibo ng isang 20 anyos na lalaki na bumaril kay dating US President Donald Trump habang nangangampanya sa Pennsylvania.
Kinilala ng Federal Bureau of Investigation ang gunman na si Thomas Crooks.
Sinusuri na ng FBI ang cellphone ni Crooks upang makakuha ng karagdagang impormasyon kaugnay sa tangakang asasinasyon niya kay Trump.
Subalit, sinabi ng FBI na wala naman silang nakita na anomang idelohiya ni Crooks.
Sinabi pa ng mga opisyal ng FBI na may nakitang “suspicious devices” sa sasakyan ni Crooks.
Binaril at napatay ng Secret Service si Crooks.
Namatay din sa insidente si Corey Comperatore, 50 anyos na dumalo sa rally dahil sa tama ng bala ng baril nang tumalon ito sa kinaroroonan ng kanyang pamilya para protektahan sila nang makarinig siya ng mga putok ng baril.