Ito ang ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ngayong Miyerkules sa gitna ng nagpapatuloy na search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard o PCG para hanapin ang mga nawawalang sabungero na hinihinalang itinapon sa Taal Lake sa Batangas.

Ayon kay Remulla, posibleng iisang tao lamang ito na isasailalim na ngayon sa pagsusuri.

Mas madali naman aniya ang pagtukoy sa pagkakakilanlan nito dahil may mga kasama pang ngipin sa nakuhang labi ng tao.

Nakuha ang labi sa loob pa rin ng quadrant na pinaghahanapan ng PCG.

Kasunod nito, sinabi ng kalihim na mahalaga ang pagkakatuklas dito dahil napapatunayan na totoo ang pahayag ng mga testigo.

-- ADVERTISEMENT --

Posible naman aniya na hindi lamang mga nawawalang sabungero ang kanilang nahahanap at may mga biktima rin ng iba pang krimen.