
Muling binuksan sa publiko ang Buntun Bridge matapos itong ipasara kaninang hapon.
Ayon kay Cagayan Governor Egay Aglipay, nakipag-ugnayan siya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos mapansin na unti-unti nang bumababa ang tubig sa Cagayan River, upang makatawid ang maraming stranded na motorista.
Binigyang-diin ni Gov. Aglipay na ang mga sasakyang dadaan sa tulay ay hindi dapat lalampas sa 15 tonelada.
Bukod dito, ipinatupad ang paisa-isang pagdaan ng mga sasakyan sa magkabilang direksyon, na may limang minutong pagitan, upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.










