Muling binuksan sa publiko ang isa sa ipinagmamalaking pook-pasyalan sa Barangay Basao, Gattaran, Cagayan matapos na isinara ito sa loob ng ilang buwan.

Sinabi ni Michelle Dela Cruz, tourism officer ng lokal na pamahalaan ng Gattaran na pinaluwang nila ang Burayok falls at dinagdagan ng pools para ma-accomodate ang mas maraming bisita.

Ayon sa kanya, pansamantalang isinara ang nasabing pook-pasyalan pagkatapos ng Holy Week matapos na dumagsa ang mga bisita at halos hindi na magkasya sa lugar.

Sinabi niya na patuloy pa ang ginagawang improvement at rehabilitation sa Burayok Falls kung saan ay plano na dagdagan din ang cottages at iba pang pasilidad.

Kaugnay nito, sinabi ni Dela Cruz na hanggang 6 p.m. lang na bukas para sa mga bisita ang Burayok falls, bawal ang pagdadala ng mga alak at bawal din ang diving.

-- ADVERTISEMENT --