Itinaas ng National Food Authority (NFA) ang buying price ng palay sa Cagayan, Kalinga at Apayao.

Ayon kay NFA Cagayan Branch Manager Elimar Regindin, P25 hanggang P27 kada kilo ang buying price ng palay depende sa lokasyon, bilang tugon sa pagmamahal ng presyo ng mga farm inputs tulad ng abono at gasolina.

Hinikayat din ni Regindin ang mga magsasaka na direktang magbenta sa ahensya upang makaiwas sa pagsasamantala at makakuha ng dagdag insentibo.

Dagdag pa niya na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng NFA sa mga lokal na pamahalaan upang mapadali ang transportasyon ng ani mula sa mga liblib na lugar.

Tiniyak rin ni Regindin na mayroon silang sapat na buffer stock ng bigas at palay at maayos na pasilidad para sa imbakan upang harapin ang anumang krisis at masiguro ang food security sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy din ang implementasyon ng Benteng Bigas Program kung saan nabibili ang bigas sa halagang P20 kada kilo para sa mga senior citizens, 4Ps beneficiaries, PWDs, at iba pang sektor na nangangailangan.