
Iginiit ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na walang kapalit o bayad ang kanyang testimonya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa pagtatanong ni defense lawyer Mark Vinluan, sinabi ni Tang na wala siyang natanggap o ipinangakong anumang benepisyo ng prosecution kapalit ng kanyang pagtestigo.
Binigyang-diin niya na hindi siya kailanman magbibigay ng testimonya kung inalok siya ng anumang materyal o ibang kapalit.
Itinanggi rin ni Tang na naghahangad siya ng posisyon bilang ambassador, at sinabing nais lamang niyang mag-enjoy sa kanyang retirement.
Naglingkod si Tang nang 44 na taon sa pamahalaan at humawak ng humigit-kumulang 1,000 ill-gotten wealth cases sa Office of the Solicitor General at mahigit 700 kaso sa Sandiganbayan bago magretiro noong Nobyembre 2024.






