Ipinaliwanag ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na mahigpit na ipinagbabawal sa Pangulo at Bise Presidente ang pakikilahok sa negosyo dahil mas malaki ang posibilidad ng pag-abuso sa kapangyarihan dahil sa kanilang posisyon.

Sa ika-24 na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni Tang na mas mahigpit ang restriction sa Pangulo at VP dahil sila ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Ayon sa kanya, kabilang sa ipinagbabawal ang direkta o hindi direktang pakikilahok sa negosyo, kabilang ang pagiging owner, director o officer ng isang korporasyon.

Sa ilalim ng batas, kailangan ding mag-divest ang Pangulo at VP sa kanilang mga negosyo sa pag-upo sa puwesto, at dapat itong maisagawa agad o sa loob ng 30 araw.