TUGUEGARAO CITY- Kinumpirma ng Department of Health Region 2 na nadagdagan ng dalawa ang nagpositibo sa covid-19 sa Cagayan.

Sinabi ni Dr. Leticia Cabrera, OIC Cagayan Valley Center for Health Development ng DOH Region 2 ang mga nagpositibo sa covid 19 ay sina P661, 39, lalaki ng Tuao, Cagayan.

Nabatid na ang nasabing pasyente ay security guard sa Taguig City at umuwi sa kanilang lugar.

Sumakay siya ng pampasaherong bus mula Manila at sa pampasaherong jeep papunta sa kanilang bayan at sa tricycle pauwi ng kanilang bahay.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, nagsasagawa na ng contact tracing ang mga kinauukulan sa mga nakasalamuha ng pasyente.

Si P662 naman ay taga-Gattaran na galing din ng Manila na sakaay ng pribadong sasakyan.

Sinabi pa ni Dr. Cabrera na na nasa CVMC si P661 habang home quarantine naman si P662.

Matatandaan na ang unang covid-19 positive case sa Cagayan ay mula sa Tuguegarao City na si P275 na ngayon ay nasa stable condition na sa CVMC.