TUGUEGARAO CITY-Nakiisa ang hanay ng kapulisan sa 3-day blood letting activity ng Bombo Radyo Tuguegarao katuwang ang Philippine Red Cross (PRC) dito sa lungsod.
Ngayon araw, Hulyo 30, 2020 ang ikalawang araw ng aktibidad kung saan sampung miembro ng kapulisan ang matagumpay na nakapagdonate ng dugo mula sa 17 pulis na nagtungo upang magdonate.
Bigong nakuhanan ng dugo ang ilan sa mga pulis dahil hindi sapat ang tulog o puyat, nakainom ng nakalalasing na inumin, may sakit, highblood at mababa ang kanilang hemoglobin.
Maliban sa mga pulis, nakapagdonate rin ng dugo ang dalawang sibilyan na nakibahagi sa naturang aktibidad.
Kaugnay nito, nakatanggap ang mga successful donors ng special edition na dugong bombo t-shirt, meryenda at bigas.
Bukas, Hulyo 31, 2020 ang huling araw ng in house blood letting activity sa Philippine red cross Tuguegarao.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng corporate social responsibility ng Bombo radyo Philippines kung saan dahil sa kinakahaharap na covid-19 pandemic ay mas lalo pang dumarami ang nangangailangan ng dugo.