OIC Warden Catalino Arugay ng Cagayan Provincial Jail

TUGUEGARAO CITY-Aminado si OIC Warden Catalino Arugay ng Cagayan Provincial Jail, na kulang ang mga tauhan ng mga kulungan sa probinsiya.

Ayon kay Arugay, ang isang empleyado ay katumbas ng pitong Persons deprived of liberty (PDLs) sa isang custodial.

Aniya, hindi umano kasi pinayagan ni cagayan governor Manuel Mamba na kumuha ng Job order na maitatalaga sana sa mga piitan.

Kaugnay nito, sinabi ni Arugay na inaayos na umano ang schedule ng mga empleyado maging ang augmentation para hindi magkulang sa tauhan.

Lalo na aniya’t may ilang opisyal umano na nagsasabi na may umiikot sa tuwing gabi sa gilid ng kulungan kung kaya’t kailangan ng mas mahigpit na seguridad sa loob at labas ng kulungan.

-- ADVERTISEMENT --

Malaking tulong din umano ang mga nakalagay na CCTv sa piitan ngunit kailangan pa umano itong madagdagan.