Inalerto ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga local government units (LGUs) sa Ilocos Region (Region I), Cagayan Valley (Region II) at Central Luzon (Region III) na maghanda ng tsunami evacuation plans matapos yumanig ang sunod-sunod na lindol sa baybayin ng Ilocos Sur sa mga nakalipas na araw.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni OCD chief Undersecretary Ariel Nepomuceno ang mga kahalagahan ng agarang aksyon para sa naturang posibleng dumating na kalamidad.

Ayon pa sa OCD chief Undersecretary, kung patuloy na bumaba ang mga pagyanig sa kanluran ng Ilocos Sur, magkakaroon pa sila ng pagkakataong siyasatin ang kanilang earthquake preparations.

Matatandaang noong Disyembre 19 nang yumanig ang isang magnitude 5.0 na lindol sa baybaying sakop ng Ilocos Sur, at sinundan ito ng iba pang mga pagyanig, base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).