Kinilala ang Cagayan Valley Center for Health bilang nangunguna sa buong bansa sa pagtukoy ng mga kaso ng Tuberculosis (TB), ayon sa Department of Health (DOH) Region 2.

Dahil dito, tumanggap ang ahensiya ng Plaque of Citation at isang Mitsubishi Montero Sport mula sa Rotary Club of Guiguinto Prime Foundation, Inc.

Ang parangal ay resulta ng pinaigting na kampanya ng DOH Region 2 sa pamamagitan ng National Tuberculosis Program (NTP), katuwang ang mga lokal na health facilities.

Patuloy ang panawagan ng DOH sa publiko na magpatingin agad kung nakakaranas ng mga sintomas ng TB tulad ng ubo na tumatagal ng higit sa tatlong linggo, lagnat, at pagpapawis sa gabi.

Ang TB ay nakakahawa, ngunit ito ay nagagamot.

-- ADVERTISEMENT --