Umabot na sa 41 ang bilang ng naitalang dengue patient sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) nito lamang Abril 1 hanggang 30 ngayong taon.
Mula sa nasabing bilang, anim pa sa mga pasyente ang nasa ospital na kinabibilangan ng tatlong nasa medical ward at tatlo na nasa pedia ward habang isa ang naiulat na nasawi.
Ayon kay Dr. Cherilou Antonio ng CVMC, ito ang panahon ng pick ng pagtaas ng kaso ng dengue dahil panahon na ng tag-ulan kaya’t dapat aniyang maging maingat at panatilihin ang kalinisan sa tahanan.
Dahil dito ay nakahanda aniya ang dengue fast lane ng CVMC para sa agarang pagtugon sa kondisyon ng mga pasyenteng isinusugod sa ospital na may sintomas ng dengue.
Paalala niya, kung sakali na makaramdam ng anumang uri ng sintomas ng dengue ay mas mabuting kumunsulta sa opsital para masuri at agad malunasan at maiwasan ang pagkasawi.