TUGUEGARAO CITY-Planong gumawa ng ordinansa ang opisina ni cagayan vice governor melvin Vargas para masolusyonan ang problema sa pagbaha sa probinsiya.
Ito ay kasunod na rin sa naranasang malawakang pagbaha lalo na sa hilagang bahagi ng Cagayan kung saan madaming mga kabahayan maging ang mga pananim ang nalubog sa pagbaha.
Ayon kay Vice Governor Melvin Vargas, makikipagcoordinate ang kanyang opisina sa engineering department ng probinsiya at kay Governor manuel Mamba para mapag-usapan ang mga dapat pang gawin para hindi na muling maulit ang malawakang pagbaha.
Aniya, isa sa kanilang titignan ang paglalagay ng drainage at dam maging ang kaligtasan ng mga mamamayan pagkatapos ng pagbaha.
Samantala, sinabi ni Vargas na patuloy ang kanilang pagbibigay ng relief goods sa mga iba’t-ibang bayan na apektado ng malawakang pagbaha.
Nagpasalamat din si Vargas sa mga iba’t-ibang grupo maging sa mga gopvernment agencies na nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng pagbaha.