TUGUEGARAO CITY-Hihinilingin ng Cagayan museum na ideklara bilang “important cultural property of the Philippines” ang Callao Cave sa Peñablanca,Cagayan kung saan nahukay ang mga buto at ngipin ng mga tao na kung tawagin ay Homo luzonensis pinaniniwalaang nabuhay 67,000 taon ang nakalipas na kasama din umano ng unang diskubre na metatarsal o ang tinaguriang Callao man.

Sinabi ni Jennifer Baquiran,museum curator ng Cagayan na napakahalaga ang nasabing findings sa pangunguna ni Professor Armand Mijares dahil sa mababago nito ang istorya ukol sa evolution of man at makikilala ang Cagayan bilang “best archeological site” sa buong mundo.

tinig ni Baquiran

Kaugnay nito, sinabi ni Baquiran na nakatakdang bumisita sa Cagayan si Mijares sa susunod na buwan kasabay ng Heritage Month celebration.

Sinabi pa niya na una nang nagpahiwatig si Mijares na muling magsasagawa ng paghuhukay ang grupo sa Callao cave sa layuning mabuo ang mga nahukay mga fossils na mula umano sa tatlong tao

muli si Baquiran

Dahil dito, sinabi ni Baquiran na magpapatupad sila ng mas mahigpit na patakaran sa Callao cave upang mapangalagaan ito at nang hindi masira

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya,pinag-uusapan na nila kasama ang pamahalaang panlalawigan ang mga ipatutupad na mga hakbang lalo na ang pagpasok ng mga turista

Sinabi ni Baquiran na tiyak na mas maraming turista ang bibisita sa Callao cave lalo na ngayong Semana Santa

Samantala, sinabi ni Baquiran na nasa Cagayan Museum ang replica ng metatarsal o ang fossil ng Callao man

Ayon sa kanya,inilalagay kasi sa national museum ang mga mahahalagang diskubreng fossils at mga artifacts dahil mas may kapasidad ito na pangalagaan ang mga ito

Sinabi pa ni Baquiran na nangako si Mijares na bibigyan sila ng replica ng mga Homo luzonensis, maging ang kopya ng kanilang buong research material

Sinimulan ang paghuhukay sa Callao cave noong 2003

Taong 2007 natagpuan ang unang footbone.

Natagpuan naman noong 2011 ang ilang piraso ng ngipin, mga handbone, at isang leg bone.

Nakuha naman ang isa pang ngipin noong 2015.

pahayag pa ni Baquiran