
Inilabas na nang Commission on Elections (Comelec) ang kumpletong calendar of activities para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Alinsunod sa Resolution No. 11191, ang mga sumusunod ang mga importanteng petsa para sa BSKE elections:
Nationwide Voter Registration Period – October 20, 2025, to May 18, 2026
Voter Registration Period in BARMM – May 1 to 18, 2026
Filing of Certificates of Candidacy – September 28 to October 5, 2026
Campaign Ban – September 28 to October 21, 2026
Election Period – October 3 to November 9, 2026
Campaign Period – October 22 to 31, 2026
Eve of Election Day – November 1, 2026
Election Day – November 2, 2026
Last Day to File Statement of Contributions and Expenditures – December 2, 2026
Ipinaalala din ng Comelec sa publiko ang mga ipinagbabawal sa panahon ng BSKE election at campaign periods.
Ipagbabawal na mula September 18 hanggang November 1, 2026 ang paglalabas ng pondo, paggawa ng public works, at personnel actions tulad ng appointments, promotions, at salary adjustments, batay sa Omnibus Election Code.
Bawal na rin ang pagbabago ng territory of precinct o paggawa ng bagong presinto.
Bawal na ring magdala ng mga armas o deadly weapons sa publiko nang walang written commission authorization, kahit may lisensiya ang mga ito.
Hindi na puwedeng gamitin ang security personnel o bodyguards ng mga kandidato.
Ang paglipat ng mga opisyal at mga empleyado sa civil service, kabilang ang public school teachers, ay ipagbabawal na rin.
Hindi na rin maaaring magsagawa ng suspensyon sa sinomang elective provincial, city, municipal, o barangay officials.










