TUGUEGARAO CITY-Kinasuhan na ng PNP ang isang pulis na nagpaputok ng kanyang baril sa Brngy.Fugu,Tuao West,Cagayan kahapon.

Sinabi ni Police Major Reymund Asistores,hepe ng PNP Tuao na pansamantalang makakalaya subalit mananatili sa kanilang kostodiya si Police Corporal Danilo Balunsat,27,habang hihinintay ang abiso sa kanila ng PNP Caloocan kung saan naka-assign ang pulis.

Ayon kay Asistores,kasong illegal discharge of firearms at paglabag sa Comelec gun ban ang isinampa laban kay Balunsat matapos siyang ireklamo ng mga testigo na anim na beses na nagpaputok ng kanyang issued firearms na .9mm.

Sinabi ni Asistores na kusa namang sumuko sa kanila ang pulis.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ni Asistores na wala namang masabi si Balunsat na dahilan ng pagpapaputok niya ng baril.