Umatras ang Cambodia ngayong araw sa Southeast Asian Games sa Thailland, bunsod ng paglala ng labanan ng dalawang bansa, na nagresulta sa paglikas ng maraming sibilyan sa magkabilang panig sa pinag-aagawan nilang border.

Ayon sa mga opisyal, umaabot na sa 11 sundalo at mga sibilyan ang namatay sa magkabilang panig, matapos na masira ang ceasefire agreement na pinangunahan ng Estados Unidos.

Sinabi ni National Olympic Committee chief Vath Chamroeun ng Cambodia, hindi na lalahok ang kanilang mga atleta sa walong sports sa Thailand para sa kanilang kaligtasan.

Subalit, sinabi ni Akarin Hiranprueck, a SEA Games senior official, hindi na makikisali ang Cambodia sa SEA Games, dahil kumpirmado nang umatras ito.

Magtatagal ang SEA Games hanggang December 20 sa Bangkok at kalapit na coastal province ng Chonburi, kung saan libu-libong atleta mula sa southeast Asian countries ang kalahok sa mga vents mula sa football at fencing sa skatboarding, sailing at combat sports.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit nabahiran ng pangamba ang SEA Games sa panibagong labanan sa pagitan ng Thailand at Cambodia ngayong linggo.

Mahigpit ang seguridad kahapon sa opening ceremony sa Rajamangala National Stadium sa Bangkok, na dinaluhan ng Thai royals.