Nasawi si Major General Duong Somneang, ang kumander ng Cambodia’s 7th Division sa nagpapatuloy na sagupaan ng kanilang pwersa at panig ng Thailand.

Napatay ito sa isang artillery strike sa lugar ng Chong Ta Thao–Phu Ma Kua nitong SWabado, Hulyo 26, 2025.

Nangyari ito sa gitna ng matinding palitan ng putok na naglalaban para sa control sa kanilang pinagtatalunang teritoryo.

Ayon sa ulat, maagang nagsimula ang labanan, kung saan matagumpay na naitaboy ng Thai forces ang mga tropang Cambodian mula sa Phu Ma Kua.

Sinubukan ng Cambodia na magsagawa ng counterattack, ngunit nauwi ito sa maraming casualties, kabilang na si Major General Somneang.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, tinanggihan ng United Nations Security Council (UNSC) ang petisyon ng Cambodia at nanawagan ng direktang pag-uusap sa pagitan ng Cambodia at Thailand.

Inakusahan ng Cambodia ang Thailand bilang nagsimula ng kaguluhan at isinampa ang reklamo sa UNSC.

Mariing tumugon ang Thailand at ipinakita ang ebidensyang ang Cambodia ang unang umatake.

Sinisi rin ng Thailand ang Cambodia sa mga posibleng krimen sa digmaan, kabilang ang pag-atake sa mga sibilyan at ospital.

Ayon sa UNSC, hindi bantang pang-internasyonal ang alitan, kaya mas mainam na maresolba ito sa pamamagitan ng bilateral na negosasyon.