Gumawa
ng bagong world record ang mga empleyado
ng isang Canadian company matapos nilang makumpleto ang 509 “high
fives’’ sa loob lang ng 3 minuto.
Sabay-sabay na ginawa ng mga manggagawa ng Johnston Group sa Winnipeg ang pinakamaraming high fives kasabay ng “National High Five Day” sa loob ng 3 minuto.
Ayon sa grupo ng 33 empleyado na lumahok sa world record attempt, ilang buwan silang nag-ensayo araw-araw tuwing lunch break nila.
Isusumite ng kompanya ang video ng kanilang naging world attempt at iba pang pruweba sa Guinness para opisyal nang kilalanin ang kanilang naitalang record.
Nabatid na huling naitala ang record noong July 2017 sa London kung saan 492 beses na nag-apir ang mga naging world record holder.
-- ADVERTISEMENT --