Inatake sa puso ang isang lalaki mula Canada habang nagbabakasyon sa Florida kung saan naisalba din ng isang lalaki na nagkataong Canadian din at galing pa sa mismong bayan na kanyang pinanggalingan.
Nagjo-jogging lang si Tom Reddon sa Indian Rocks Beach nang bigla na lang siyang bumulagta sa gitna ng kanyang pagtakbo.
Nataon naman na nasa lugar ang Sandy McNeill na marunong siyang mag-CPR kaya ginawa niya ang mouth-to-mouth kay Reddon hanggang dumating ang mga rumespondeng emergency crews.
Ginamitan nila ng defibrillator si Reddon bago siya itinakbo sa hospital, kung saan naisalba matapos ang isang operasyon.
Saka na lang nalaman ni MacNeill na ang lalaking kanyang naisalba ay nagmula rin sa bayan ng Fre-dericton sa Canada kung saan din siya nagmula.
Laking pasasalamat naman ni Reddon kay MacNeill sa pagsalba saknayang buhay.