Ang car dealer at ang kanyang partner ang nasa likod ng pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa kanyang walong taong gulang na anak na si John Ysmael.

Sa press conference, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG), ang kapatid na babae ng partner ng car agent at isang kasabwat ang ikinokonsidera ring mga suspek sa kaso.

Sinabi ni Remulla, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang posibleng pagkakasangkot ng asawa ni Diane, na si Police Senior Master Sergeant John Mollenido, na itinuturing na person of interest.

Ayon kay Remulla, ikinokonsidera na case closed na ito at isasampa na ang mga kaso laban sa mga sangkot sa krimen.

Batay sa imbestigasyon, nag-ugat ang pagpatay sa hindi maayos na transaksyon sa pagbebenta ng sasakyan na nagkakahalaga ng P450,000.

-- ADVERTISEMENT --

Natagpuang patay na si Diane noong Enero 24 sa isang creek sa Pulilan, Bulacan na may tama ng bala sa kanyang ulo, habang nakita naman ang bangkay ng kanyang noong Enero 29 sa calamansi farm sa Victoria, Tarlac.

Sinabi ng isa sa mga suspek na nakita niya ang insidente pagkatapos ng pamamaril sa mga biktima sa bahay ng car agent at kanyang partner noong gabi ng Enero 16.