Ipinasuot ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang Ring of the Fisherman kay Pope Leo XIV sa kanyang inagurasyon bilang ika-267 na Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Ginanap ang misa ng inagurasyon sa St. Peter’s Square sa Vatican, na dinaluhan ng libo-libong deboto mula sa iba’t ibang bansa.

Ang singsing ay sumisimbolo sa kapangyarihan ng Santo Papa bilang kahalili ni St. Peter, ang unang pinuno ng Simbahan.

Ipinasuot din sa kanya ang pallium, isang kasuotang gawa sa balahibo ng tupa, na sagisag ng pagiging pastol ng Simbahang Katolika.

Bago magsimula ang misa, ginamit ni Pope Leo XIV ang popemobile at bumati sa mga tao sa loob ng 30 minuto.

-- ADVERTISEMENT --

Namataang pinagpapala rin niya ang ilang sanggol.

Sa kanyang homiliya, hinikayat ng 69-anyos na Santo Papa ang mga mananampalataya na ipagkaloob ang pagmamahal ng Diyos sa lahat.