Habang umiinit ang panahon, pinaalalahanan ng mga eksperto ang publiko na mag-ingat laban sa heat-related illnesses tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Ayon kay Lauren Kay M. Evangelista-Galindez, may mga grupo na mas delikado sa ganitong kondisyon, kabilang ang mga may pre-existing medical conditions gaya ng sakit sa puso, problema sa bato, history ng stroke, at iba pang chronic illnesses, pati na rin ang mga bata at matatanda.

Aniya, ang mga pediatrik, yung hindi kayang uminom on their own, like mga less than three-years-old, yung very elderly, lalo na yung may mga dementia, hindi rin nila masyadong nare-recognize yung dehydration.

Binigyang-diin din ng doktor ang kahalagahan ng sapat na pag-inom ng tubig, pananatili sa malamig o maaliwalas na lugar, at iwas sa sobrang init ng araw, lalo na sa mga pinaka-bulnerable na indibidwal.

Layunin ng paalala na ito na maiwasan ang mga insidente ng heat-related illnesses ngayong mainit na tag-init.

-- ADVERTISEMENT --