TUGUEGARAO CITY-Tuloy na tuloy ang Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) ng Civil Service Commission (CSC) sa buong Rehiyong Dos, bukas, Agosto 4, 2019.

Paglilinaw ito ni Valnisan Calubaguib, tagapagsalita ng CSC-Region 2 matapos kumalat sa social media na hindi matutuloy ang naturang examinasyon, bukas.

Kaugnay nito, sinabi ni Calubaguib na nakahanda na ang mga classrooms sa lahat ng mga testing centers sa Bayombong, Nueva Vizcaya , Cauayan sa probinsiya ng Isabela at sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay Calubaguib, nabigyan na rin ng paabiso ang nasa mahigit 15,000 na examinees sa kanilang mga room assignment sa pamamagitan ng text messages.

Binigyang paalala din ni Calubaguib ang mga examinees na magtungo sakanilang mga room assignment bago sa oras ng 7:30 ng umaga dahil isasara ang mga gate at hindi na papayagang makapasok paglagpas ng naturang oras at huwag kalimutang dalhin ang black ballpen at valid i.d.

-- ADVERTISEMENT --

Binalaan naman ni Calubaguib ang mga examinees na magtatangkang mandaya sa naturang pagsusulit na mahaharap sa kasong criminal at hindi na papayagang sasailalim sa naturang pagsusulit.