TUGUEGARAO CITY-Umabot na sa 30 hanggang 40 pasaway na drivers at mga Unauthorized Persons Outside Residence (UPOR)) ang nakasuhan at naticketan mula ng ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) laban sa covid-19.
Ayon kay P/capt Fernando Manuel Jr, hepe ng HPG-Cagayan, kasama ang kanilang mga tauhan sa pagbabantay ng mga checkpoint sa probinsiya partikular sa Brgy. Namabbalan at sa bayan ng Sta Praxedes kung saan ilang mga pasaway na drivers ng mga cargo truck ang kanilang nahuli na nagsasakay ng mga Unauthorized Person Outside Residence.
Aniya, kinasuhan na ng paglabag sa bayanihan to heal as one Act ang mga nahuli.
Bukod dito, dalawang carnapping incident ang naitala sa probinsiya kasabay ng General Community Quarantine na naganap sa bayan ng Iguig at sa Brgy. Linao dito sa Lungsod.
Ngunit, sinabi ni Manuel na matagumpay namang nahuli ang mga suspek at muling nakuha ang mga sasakyang maliban na lang sa bayan ng Iguig dahil nasangkot ito sa aksidente.